Salamat PhilaRice sa innovation na ito- Sen. Cynthia Villar. Sharing PhilRice post.
Sa mas pinadaling proseso ng Binhi e-Padala, naging mabilis ang pagkuha ng binhi ng ating mga ka-palay sa Labo, Camarines Norte.
"First time dito sa aming lugar ang Binhi e-padala at first time din ang pagpapamigay ng certified inbred seed. Madali at walang hassle. Ipapakita lang yung ID tapos makukuha mo na agad yung binhi," wika ni ka-Palay Arnold Quintela.
Higit 140 magsasakang miyembro ng Farmers Irrigators Association of Guibasan ang tinatayang mabibigyan ng higit 400 bags ng certified inbred seeds ng Binhi e-Padala. Ipagpapatuloy naman ng local government units ang regular na pag-schedule ng seed distribution.
Comments