Inilunsad ng Philrice ang Provincial Grand Launching Ceremony ng distribution ng inbred rice seeds sa Leyte. Ito ay dinaluhan ng higit sa 100 participants kabilang na ang mga magsasaka, mga representatives mula sa iba’t ibang ahensya ng Department of Agriculture Regional Office 8 at mga kawani mula sa lokal na pamahalaan ng Julita at mga mga karatig na mga bayan ng Tolosa, Mac Arthur, Tabontabon at iba pa, na nagtutulungan sa pagpapatupad ng #RCEFseedprogram programa. Ang paggamit ng de-kalidad na binhi o inbred seeds ay nakakasiguradong magpapataas ng kanilang ani at kita dahil na rin sa mga katangiang taglay nito, pati na rin ang proseso ng paghahanda bago pa man ito maibigay sa mga magsasaka. Nagparating ng mensahe si Senator Cynthia Villar sa isang recorded video.
top of page
bottom of page
コメント